Hi Kajeeaa and team! I hope you're all smiling today. Nasurprise naman po ako sa text, akala ko may parcel na padating hahaha.
I'm not sure if qualified ako sa contest since di naman po freelancing yung nakuha kong job, pero here goes - share ko na rin.
I discovered your Youtube channel sa kassearch ko ng WFH/Remote Jobs last year. Nagresign po kasi ako that time sa corporate job dahil sa health/stress. But since bread winner po ako sa family namin, di pwedeng walang income.
Sa pagkakatanda ko yung unang video na napanood ko ay yung nakayellow na tshirt si Kajea. Hahahaha. About part-time jobs ata yun. Tapos hanggang nag binge-watch na ako. Lagi ko na rin hinihintay si Ichigo na magsabi ng “online work is amaziiiing”
Also, very helpful, realistic, and doable kasi ng mga tips and tricks ni Kajea sa videos nya. Kaya nung nalaman ko na mag-ooffer sya ng trainings for online bookkeeping, di na ko nagdalawang isip. Feeling ko rin answered prayer yung pag-announce ni Kajea ng course nya.
And hindi ako nadisappoint sa content ng courses. ALL IN! Simula pagcraft ng resume hanggang pagsubmit ng reports sa clients. Ang dami ko natutunan. Kaya nung natanggap ko yung certificate, I felt so proud.
So job/client hunting na. Inapply ko lahat ng natutunan ko from the course sa pag hahanap palang ng work. About 3 months bago naging fruitful dahil sa dami ng kakompitensya na may mga experiences na yung iba.
Ang pinanglaban ko, yung mga natutunan ko from the course. Nilagay ko lahat sa resume. Pati yung certificate sinama ko rin.
One time, nagulat ako kasi yung employer yung lumapit sa akin. Nagset na ng interviews, start ng hiring process. Tapos nung kalagitnaan ng final interview, binanggit ng Director na isang factor yung pagpresent ko ng resume kaya naging interesado sila sakin. (Thank you so muuuch, Kajeaa!) Binida ko syempre sa kanya yung course. After the interview, siguro mga 30 mins, I received an offer letter na agad!
I’m currently part of a firm offering accounting services to foreign clients. Offshore kami. Currently handling 2 clients, working from home with good pay.
Kajeaa, kung hindi ko nakita yung Youtube and course mo, siguro truoke yung hirap kung pano ako magsstart sa online work. You’re a big part of it! I hope one day, I’ll be able to pay it forward.