Hi everyone!
Success story... Anu nga ba ang aking success story sa naging journey ko sa pag pasok sa industry ng book keeping?
Actually marami po and up to now po looking back kung panu ko nag umpisa is hindi po ako makapaniwala na nagawa ko po sya, of course i owe it kay Lord at kay Ms. Kajea.
Grabe for someone like me na walang background sa accounting, hindi tech savy as in walang alam sa computer hehe then papasukin yung ganitong trabaho, parang imposible hindi po ba? Kase syempre una, dapat at least may knowledge ka sa basic accounting tapos marunong ka sa microsoft office application kase may mga data ka na need iinput. Pero alam nyo po though sadsad na tong line na to pero gagamitin ko pa rin po... wala talagang imposible pag ginusto mo at pag sinabi mo sa sarili mo na kaya mo.
After months of training, hardwork, may times na talagang walang tulugan hanggat hindi ko nakukuha, hanggat hindi ko sya nagagawa ng tama hindi talaga titigil until na makuha at magawa. And very thankful talaga ko na nakilala ko si Ms. Kajea through her vlogs kase nung una nag enroll na ko sa iba. Mukhang maganda kase ang daming nakalagay na matutunan medyo mas mahal pa nga compare sa training course ni Ms. Kajea pero sa totoo as I go through the seminar first live pa lang parang naisip ko na...na wait parang wala kong maitindihan sa pinag uusapan nila, halos accountant na yung ibang students, may iba CPA pa nga parang natakot ako na hindi makasabay in short nag decide ako na mag unenroll and look for other training course na medyo simplify lang ang teaching, yung pwede sa katulad kong walang alam at background sa accounting hanggang yun nakita ko yung vlog ni Ms. Kajea and agad akong nag enroll.
Alam nyo po naniniwala ako na sa kanya talaga ko dinala ni Lord, sya yung ginamit para matulungan ako na matutunan ng madali sakin at intindihin kung anu man yung dapat kong matutunan.
And ngayon po im happy to share with you guys after months of training(as in zero sa lahat) february this year nag start na kong maging bookkeeper and got my first ever client. Sobrang thankful ako kay Ms. Kajea sa kanyang training course na napaka organize, sinimplify talaga at sa matyaga nyang pag aanswer at ng kanyang group sa lahat ng tanong ko hanggang ngayon everytime na may tanong ako very responsive pa rin sila.
Hindi ko magagawa ang nagagawa ko na ngayon kundi dahil sa napaka gandang training course na criniate ni ms.kajea... sa mga katulad ko po na nag aaspire na maging bookkeeper pero walang background sa accounting hwag po kayo matakot mag try at maniwala lang po sa sarili nyo na kung kinaya ng iba(or should i say na kung kinaya ko po)kakayanin nyo rin po. And andyan po ang katulad ni ms.kajea para tulungan po kayo. Godbless everyone!