May mga bagay sa mundo na gustong gusto natin makuha.
Trabaho na may magandang offer, client na may malaking income growth potential, supplier na mas mababa ang bigayan, business na pinapangarap natin at marami pang iba.
Minsan, pag tinamaan ng swerte, nakukuha natin ang mga gusto natin. Pero may mga pagkakataon din naman na…siguro may ibang plano and tadhana para satin.
Naniniwala ako na kapag para sayo, para sayo talaga. Yung tipong:
Kahit ilang beses madelay
Kahit ilang ulit mareject
Kapag meant for you yan, sayo talaga yan.
Kaya wag tayo panghinaan ng loob kung sa unang try natin ay di agad natin makuha ang gusto natin. Siguro kailangan lang na:
Ilaban mo lang.
Sipagan mo pa, kasi ikaw rin tutulong sa sarili mo para makuha yang para sayo
Magtiwala ka sa sarili mo.
Hindi naman dahil nakalaan na ang isang bagay para satin ay wala na tayo gagawin para makuha ito. Sa totoo nga, lalo tayong nagiging worthy sa mga bagay na gusto natin kapag pinaghihirap natin ito.
Kaya kung may gusto tayo maabot, ibigay natin yung buong puso natin para makuha ito. Kung di man tayo magtagumpay sa plan A natin, always remember na madami pang letters sa alphabet. We can still make our way to achieve our ultimate.
Tandaan mo, kung para sayo, para sayo talaga.
Love lots,
Kajea