Hi Coach Kajeaaa! Una sa lahat, gusto kong mag-thank you dahil ang dami mong naituro at nashare sa akin. Nakakatuwa lang kasi constant pa rin yung support mo kahit madami kaming inquiries. Basta super sulit talaga ang mga courses!
November ako unang nag-enroll ng course at kalagitnaan pa lang, nagtry na ako magsubmit ng applications for bookkeeping roles (sabi mo nga, practice makes perfect!).
Salamat sa mga tips at napansin ang CV at cover letter ko! At di nga nagtagal, itong 2 clients na naging interesado sa application ko nung November, bumalik at hinire ako ng January! Instant 2 clients!
At... may humabol pa! January 31st, nahire ako ulit. Sobrang nakakatuwa lang kasi hindi lang mismong bookkeeping tasks ang matututunan mo. Lahat sinakop ng course, ultimo pagsagot ng interview questions, paggawa ng resume/CV/cover letter, pati pag negotiate ng rate at marami pang iba! (As in marami ka talagang matututunan!)
Nag-decide din akong kumuha ng isa pang course (QBO) at patuloy sa pagsend ng applications (more applications sent, more chance of getting hired!) at guess what!? Na-hire ako ulit at waiting lang this coming months para masimulan ang bagong project! Woooo! Happppy yaaarn! Now, kahit di na ako nag-aapply, may mga ilan ilang clients din na nag-iinquire!
Though project-based lang talaga ang hanap ko dahil sa full-time VA job ko, ang laking tulong pa rin since lahat ng kinita ko sa freelance job ko (both bookkeeping and VA roles) inipon ko pang-start ng small business! Yes, ipon lang ng ipon! Right now, I have 4 clients (2 bookkeeping/2 VA roles).
Medyo naglie low muna ako dahil sa preparation para sa pasukan, at pag-asikaso sa sinisimulan kong business. Pero yun nga, ang kagandahan lang din ng pagiging freelancer, makakapili ka ng client (sino at ilan), oras ng trabaho at rate na gusto mo. Perfect na perfect sa tulad kong busy-busyhan sa buhay!
Kaya naman sobrang pasasalamat sa'yo, coach! Ang dami mong nashare, sobra sobra pa nga! More power and sana mas marami ka pang matulungan at ma-inspire! Thank you, coach!