February 2022, yan yung month na nagkaroon ulit ako ng new goal, new dream, new chance to discover more about my profession. Sa month na yan ko nalaman na may virtual bookkeeper pala.
Agad akong nagsearch sa fb, sumali sa mga fb groups at nanuod sa youtube. I studied QBO, yung free lang, then nagkaron ng certificate.
Nag-apply ako after pero wala pa ata sa lima yung pinasahan ko ng proposal kasi hindi ako confident and wala sa kanila ang pumansin saakin.
Know why?
Mali pala kasi yung approach ko. Mali yung cover letter ko. Mali yung resume ko. Maraming mali 😅 so paano ko nalaman yung mga mali ko? Dahil kay Coach Kajea 🥰 siya yung unang pumukaw ng atensyon ko sa youtube pagdating sa online work.
Napakadami niyang tips sa youtube channel niya at doon ko nalaman yung mga do's and don'ts kapag mag-aapply. Nagtry ulit akong magpasa after and then kinabukasan may nag-invite na sakin for interview.
Ang saya ko that time kahit di ako pinalad e at least napansin ako. Thankful din ako na hindi ako natanggap kasi gusto ko talagang malaman muna kung ano ba yung pinapasok ko ☺️ I want to give my future clients the best service I can provide.
So nag-enroll ako sa course ni Coach Kajea. Sobrang pinadali niya lahat. Natry ko kasing aralin before yung lessons sa XERO Central and nalilito ako sa iba pero nung tinuro na ni coach e tumatatak talaga sa utak ko 🥰 straight forward si coach, kung ano yung need mong malaman, yun ang sasabihin niya.
I enrolled last May 15 at ngayon nasa case 3 na ako at feeling ko soon ready na ako to find my own client.
Yung magkaroon ng burning desire to learn and to succeed in this kind of industry, WIN na yun para saakin 🥰 it's something that keeps me going. Yes, it's not yet a big win compared to others but I believe, one day, at my own perfect time, I will land on my first client.
Thank you, Coach Kajea💕